-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni soccer superstar Cristiano Ronaldo na engaged na sila ng kaniyang long-time partner na si Georgina Rodriguez.

Sa social media account ng 31-anyos na si Rodriguez ay ibinahagi nito ang masayang balita.

Nagpost pa ito ng larawan na may suot na engagement ring sa daliri.

Mayroong dalawa na silang anak na babae habang ang 40-anyos na si Ronaldo ay mayroong tatlong anak mula sa dating asawa.

Taong 2022 ng ibinunyag nila na nawalan sila ng bagong silang na anak nilang kambal.

Nagkakilala ang dalawa noong 2016 habang nagtatrabaho pa si Rodriguez sa Gucci store sa Madrid.