Nasa mahigit 6,400 na Russians ang bumiyahe patungong Finland.
Ayon kay Matti Pitkäniitty, ang namumuno sa International Affairs Unit sa Finnish Border Guard, na nagdulot ng trapiko ang pagdating ng mga Russians sa kanilang bansa.
Mayroon naman 3,227 na mga Russians ang umalis din palabas ng Finland.
Nagpahayag naman ang Germany ng kahandaan para tanggapin ang mga lumilikas na mga Russians.
Sinabi ni Steffen Hebestreit ang German Chancellor’s spokesman na gaya ng ginagawa ng ibang European countries ay kanilang binuksan din ang kanilang bansa para sa mga Russians na umaalis sa kanilang bansa.
Magugunitang mula ng ianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na nangangailangan sila ng nasa 300,000 na sundalo para lumaban sa Ukraine ay maraming mga Russians ang lumikas palabas ng kanilang bansa.