-- Advertisements --
Mahigit 500 mga buwitre ang namatay matapos na malason sa kinaing karne ng elepante sa Botswana.
Kabilang sa kabuuang 537 na mga endangered vultures ang dalawang tawny eagles na natagpuan sa Gaborone, Botswana.
Ayon sa Botswanan wildlife national parks department, nakita nila ang tatlong elepante na tinalian ng lason matapos na ito ay patayin ng mga poachers.
Karamihan sa mga namatay na vultures ay white-backed vultures na itinuturing na “critically endangered” ng International Union for Conservation of Nature red list ng threatened species.
Sinasabing nilalason ng mga poacher ang mga elepante para sa mga buwitre dahil hinala nila na sila ay may dalang monitoring system laban sa mga poachers.