-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng nasa 436 aftershocks matapos tumama ang magnitude 6.4 earthquake sa Lagayan, Abra gabi ng Martes, Oktubre 25.

Ayon kay PHIVOLCS officer-in-charge Teresito Bacolcol, nasa limang aftershocks ang naramdaman kungs aan pinakamalakas ang naitalang magnitude 4.8.

Inaasahan aniya na mararamdaman pa ang aftershocks hanggang sa susunod na linggo.

Paalala pa rin ng Phivolcs sa publiko na manatiling mapagmatiyag at handa.

Una ng iniulat ng phivolcs na ang episentro ng lindol ay tumama pitong kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Lagayan, Abra.

Ayon pa sa Phivolcs ang episentro ng lindol ay malapit sa Ilocos fault system.

Naramdaman din ang malakas na lindol sa Apayao, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Isabela, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, at Metro Manila.