-- Advertisements --

Aabot na sa 40 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng malakas na bagyo sa Myanmar.

Itinuturing ang cyclone Mocha na siyang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa na mayroong lakas ng hangi na aabot sa 209 kilometers per hour.

Karamihang mga nasawi ay mula sa Rakhine state sa central Myanma habang may ilan sa Sagaing at Magway regions.

Maraming mga kabahayan ang nasira ganun din ang mga linya ng komunikasyon ay naputol dahil sa nasabing malakas na bagyo.

Mahigit 750,000 na residente malapit sa mga karagatan ang lumikas bago pa man ang pag-landfall ng nasabing bagyo.