-- Advertisements --
Aabot sa 4.5 milyong mga residente ng Ukraine ang apektado ng kawalan ng suplay ng kuryente.
Ayon kay Ukrainian President Volodymr Zelensky, na temporaryong disconnected mula sa kanilang energy suppliers ang karamihang mga residente.
Mula kasi ng patuloy ang ginagawang missile attack ng Russia sa mga civilian infrastructures ay nakakaranas ang Ukraine ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente.
Karamihang mga lugar na nawalan ng suplay ng kuryente ay sa bahagi ng nipropetrovsk, Zhytomyr, Zaporizhzhia, Sumy, Kirovohrad, Kharkiv, Chernihiv, Khmelnytskyi at Cherkasy.
Nauna ng kinondina ng ibang mga bansa ang ginagawang rocket attack ng Russia sa Ukraine.