-- Advertisements --

Nakauwi na sa kanilang mga pamilya ang 344 na mga kabataang kalalakihan matapos na sila ay dukutin sa northwestern Nigeria.

Ito ay matapos ang halos isang linggong pag-atake sa Government Science Secondary School Kanara sa Katsina State.

Isinagawa ng Nigerian military ang pag-rescue kung saan dinala ang mga ito sa opisina ni governor Aminu Bello Masari.

Itinanggi ng grupong Boko Haram na sila ang nasa likod ng insidente at pawang mga bandido aniya na nagpapanggap na mga Islamist terrorist group.

Ikinatuwa naman ni Nigerian President Muhammad Buhari ang nasabing balita.

Tiniyak naman nito sa mamamayan na hindi na mauulit pa ang insidente at kanilang poprotektahan ang bawat isa.