-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Science and Technology na nakumpromiso ng local hackers ang nasa two terrabytes na data ng ahensiya.

Sinabi ni DOST Secretary Renato Soldium Jr na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maprotektahan ang kanilang digital assets.

Ayon naman kay DICT Spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso na ang mga nakumpromisong data ay na-locked out ng DOST mula sa sarili nilang sistema.

Inihiwalay na nila ang mga apektadong sistema at naglagay na sila ng paraan para matiyak na hindi na mauulit pa ang insidente.

Base rin sa kanilang pananaliksik na ginawa umano ng local hackers ang insidente bilang protesta sa Charter Change dahil sa mayroon silang mga notes na iniwan.