Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas na mga residente sa lalawigan ng albay bunsod ng nagpapatuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa mahigit 20,000 katao na ang inilikas at kasalukuyang nasa 27 evacuation centers sa naturang lalawigan.
Sa kabutihang palad, walang napaulat na injuries.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Raffy Alejandro, walang inaasahang casualty hangga’t wala ng mga residente ang nasa loob ng permanent danger zone ng bulkan.
Ang hamon aniya sa ngayon ay kung paano mapapangasiwaan ang evacuation centers dahil kailangang mapigilan na magkaroon ng outbreaks ng mga sakit at ibang problema pagdating sa kalusugan at sanitation ng mga inilikas na residente.
Una na kasing nakapagtala ang ahensiya ng mga kaso ng dirrhea sa evacuation centers.
Nakapagtala rin ang Department of Health ng mga kaso ng respiratory problems sa mga evacuee.
Sa kasalukuyan nananatili pa rin sa Alert level 3 ang alerto sa bulkan na nangangahulugan ng posibleng mapanganib na pagsanib ng bulkan.
Sakali man na itaas pa sa Alert level 4 ang status ng bulkan, papalawigin pa sa isa o dalawang kilometro ang permanent danger zone kung saan nasa karagdagang 10,000 hanggang 15,000 katao pa ang kailangang ilikas sa mga evacuation centers.