-- Advertisements --

Kasalukuyang stranded pa rin ang mahigit 200 katao sa 22 mga pantalan sa bansa matapos makansela ang kanilang biyahe sa dagat sa gitna ng masungit na panahon ngayong araw ng Lunes, Hulyo 21.

Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula kaninang alas-4:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga, kabuuang 222 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded gayundin ang 77 rolling cargoes at 13 mga barko.

Pansamantalang nakisilong naman at hindi muna bumiyahe ang nasa 31 barko at 67 motorbancas.

Ang mga na-stranded na mga pasahero at cargoes ay naitala mula sa siyam na rehyin sa NCR-Central Luzon, Southwestern Mindanao, Central Visayas, Palawan, Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, Eastern Visayas at Southern Visayas.