-- Advertisements --
Pinangangambahang nasa mahigit 200 katao ang nasawi sa ginawang pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa western Oromiya region ng Ethiopia.
Ang Oromiya ay lugar kung saan matatagpuan ang pinakamalaking ethnic group na Oromo ganun ang ilang mga grupo.
Karamihang mga nasaw ay mula sa Amharas ethnic group na isa ring minority group sa rehiyon.
Wala ring indikasyon na ang atake ay may kinalaman sa labanan sa northern Tigray region na nagsimula noong Nobyembre 2020 na ikinasawi ng ilang libong katao.
Mariing kinondina naman ni Ethiopia Prime Minister Abiy Ahmed ang nasabing pag-atake.