-- Advertisements --

Mayroong mahigit 2 milyon na karagdagang COVID-19 vaccine doses mula sa Sinovac at AstraZeneca ang darating sa bansa sa katapusan ng buwan ng Marso.

Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr, na mayroong 400,000 na karagdagang doses ng Sinovac ay darating sa Marso 24 habang karagdagang 1 milyon Sinovac naman ay darating sa Marso 29.

Aabot naman sa 979,200 doses ng AstraZeneca vaccine ang darating mula Marso 24 haanggang Marso 26.

Dagdag pa nito na nasa Europe na ang bakuna at naghihintay na rin ng deployment ito sa bansa.

Sa kabuuan ay aabot sa 2,379,200 na bakuna ang darating sa katapusan ng buwan.