-- Advertisements --
Nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng kabuuang 2,023 aftershocks hanggang alas-7 ng umaga nitong Miyerkules kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa PHIVOLCS, 528 sa mga aftershocks ang natukoy ang lokasyon, habang 47 ang naramdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Lumabas din sa datos na ang lakas ng mga naitalang pagyanig ay nasa pagitan ng magnitude 1.3 hanggang 6.4.
Ang impormasyong ito ay mula sa General Santos Seismic Station at Don Marcelino Seismic Station sa Davao Occidental.















