-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 17,411 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Pero nagkaroon naman ng 14,090 na bagong gumaling at 177 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (165,790) ang aktibo, 91.7% (2,231,558) na ang gumaling at 1.54% (37,405) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 21, 2021, habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng tatlong ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.