-- Advertisements --

Mayroong 12,246 na mga law graduates ang nagparehistro para sa 2024 Bar Examination.

Ayon sa Supreme Court na ito ang kabuuang bilang ng matapos ang deadline ng applicatioin para kumuha ng 2024 Bar Exam noong Abril 5.

Patuloy na ipinoproseso ang nasabing bilang para malaman kung ilan ang first timers, repeaters at makailang beses na nagtake ng Bar exam.

Isasagawa ang digitalized Bar examination sa September 8, 11 at 15 sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Gaya aniya sa nagdaang 2023 Bar Exam ay mayroong anim na core subject ito na hinati sa tatlong araw na pagsusulit.