Nasa mahigit 10,000 na mga migrants ang nagtipon-tipon sa ilalim ng tulay sa US-Mexico border dahil sa tumataas na humanitarian crisis.
Ang nasabing tulay ay kumokonekta sa Del Rio sa Texas at Ciudad Acuna ng Mexico.
Karamihan sa mga migrant ay mga Haitian, Cubans, Venezuelans at Nicaraguans na nakatawid sa Rio Grande na nanirahan na sa ilalim ng tulay.
Noong nakaraang buwan ay halos 200,000 na migrants ang inaresto ng US sa Mexican border.
Dinagdagan ng Border Patrol police ang kanilang puwersa sa Del Rio para maayos ang sitwasyon.
Dinala ang ilang migrants sa US Border Patrol.
Binigyan rin ang mga migrants ng maiinom na tubig at portable toilets.
Nauna ng bumuo si US President Joe Biden ng taskforce para makasama ng mga migrant children ang kanilang mga pamilya.