-- Advertisements --
Mahigit 120 tonelada ng basura ang nakolekta mula sa mahigit 100 garbage traps na inilagay ng DENR sa mga ilog at sapa sa Bataan, Bulacan at Pampanga.
Sinabi ni Paquito Moreno Jr., executive director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 3, naka-install ang mga garbage traps na ito para mabawasan ang basura na direktang pupunta sa Manila Bay.
Nabatid na nasa higit 4,300 tonelada ng biodegradable, residual, recyclable at mapanganib na basura ang nakolekta sa Region 3.
Ganito rin ang naitala sa iba pang kalapit na lugar, habang mas malala pa sa Metro Manila.
Kaugnay nito, umapela ang DENR sa publiko na isaayos ang pagtatapon ng kanilang mga basura para mabawasan ang problema sa polusyon.