-- Advertisements --

Naka-detect na naman ng panibagong mahigit 100 Chinese vessels sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Ayon sa US-based geospatial imagery at data analysis company, malaki ang iniakyat ng bilang ng mga barko sa loob lang ng mga nakaraang araw.

Dahil dito, ang dating bilang na 129 ay umabot na ngayon sa 238, bunsod ng 109 na nadagdag sa naturang lugar.

Sa loob ng kalagitnaan ng Mayo hanggang Hunyo ay dumami pa ang mga barko sa Union Banks, mula siyam lamang, ngunit ngayon ay 236 na.

Habang sa karatig na Burgos Reef, nabawasan naman mula 234 patungong 71.

Una nang inalmahan ng DFA ang 220 Chinese militia ships noong Marso, dahil sa paglapit ng mga ito sa Julian Felipe Reef.

Kaya naman, panibagong protesta ang inaasahang isusumite ng Pilipinas sa China, dahil nasabing mga development.