-- Advertisements --

Mayroong mahigit 1,200 na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino na puwedeng aplyan sa Israel.

Ayon kay Department of Migrant Workers Undersecretary for Licensing and Adjudication Services Bernard Olalia na bukod sa benefits ay makakatanggap ang mga pasadong aplikante ng P80,000 na sahod kada buwan.

Kailangan aniya na mayroong TESDA National Certificate ang mga aplikante at naiproseso na ang online registration bago magtungo sa mga DMW offices.

Binalaan din nito ang mga aplikante na huwag maniwala sa mga kumakalat na job offering online at tanging paniwalaan ang kanilang official social media pages ng DMW.