-- Advertisements --
Nasa 1,100 na kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang ipapakalat sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod sa pagdiriwang ng araw ng manggagawa o Labor Day sa Mayo 1.
Inaasahan kasi ng MPD na magsasagawa ang iba’t-ibang progresibong grupo ng kilos protesta sa nasabing araw.
Ilan sa mga lugar na babantayan nila ay ang Don Chino Roces Bridge, Welcome Rotonda, Mendiola Peace Arc, US Embassy, Supreme Court, Department of Labor and Employment at ang kapaligiran ng Malacañang Palace.
Pagtitiyak ng PNP na magpapatupad ng ‘maximum tolerance’ sa mga magtatangka na pumasok sa nabanggit na lugar.