-- Advertisements --

Nagkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at Vietnam na palakasin ang suplay ng bigas bilang bahagi ng long-term food security.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., bahagi ang kasunduan ng mas malawak na plano ng gobyerno upang mapalakas ang trade partnerships sa mga pangunahing agricultural partners ng bansa.

Nabuo ang kasunduan matapos ang high-level discussions sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas, kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vietnamese Prime Minister Lê Minh Hưng sa sidelines ng 48th ASEAN Summit sa Cebu.

Sa ilalim ng isang taong kasunduan, magbibigay ang Vietnam ng humigit-kumulang 1.5 milyong metric tons ng bigas sa Pilipinas.

Inaasahan na makakatulong ang kasunduan upang mapalakas ang national buffer stocks at mapanatiling matatag ang presyo ng bigas sa gitna ng nararanasang pressure sa suplay.

Ayon pa sa Department of Agriculture, inaasahang darating ang unang shipment ng imported rice mula Vietnam pagsapit ng Abril 2027 kapag tuluyang naisapinal ang kasunduan.