Aabot sa 1,250 o one-fourth ng 5,000 corporations sa bansa ang nagkukumahog na manatili ang operasyon ngayong pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Nangangailangan daw ng P625 bilyon na pondo mula sa gobyerno para masuportahan ang mga kumpanya at mailigtas ang 6.3 milyon na trabaho.

Dahil dito, hinihikayat ng ilang mga senador ang Department of Finance (DOF) na maaaring taasan ang P10 bilyon na equity na planong ipasa sa Land Bank of the Philippine (Landbank) at Development Banko of the Philippines (DBP) sa pamamagitan ng Government Financial Institution Unified Initiatives to Distressed.
Sinabi ni Guian Angelo Dumalangan, ang Landbank assistant vice president at chief market economist na inaasahan na kukuha ang mga kompaniya sa nasabing rescue package ng GUIDE.
Sa ilalim ng GUIDE bill, hinihikayat ang mga private investors at multilateral lenders na mag-contribute na hindi bababa sa P10 bilyon na capital para sa pagpapalakas ng holding company.
Habang pinapayagan ang Landbank at DBP na siyang kokontrol ng majority stake.
Ang special holding company ay maaaring mag-invest sa mga kumpanya na apektado ng pandemic na mayroong limitadong equity participation at ito ay maiko-convert sa utang na tatanggapin ng Landbank at DBP.










