-- Advertisements --
Nasa mahigit 1,000 mga mga pang-aatake sa mga health care systems ang naitala sa Ukraine.
Ayon sa World Health Organization (WHO) na ito na ang pinakamaraming naitalang pag-aatake sa mga health care systems mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.
May malaking epekto ang nasabing pag-aatake sa mga health care facilities dahil apektado ang pagpapagamot ng mga biktima ganun din ang operasyon ng mga ambulansya.
Ikinalungkot din ng WHO na dahil sa pag-atake ay mayroong mahigit 100 mga health workers na ang nasawi.
Ang pag-atake sa mga health care ay malinaw na paglabag sa international humanitarian law.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpasa ng resolusyon ang WHO na nag-aatas sa Russia na tigilan na ang pag-atake sa mga pagamutan sa Ukraine.