Nasa mahigit 1,000 mga dating US Justice officials ang pumirma ng petisyon para sa pagpapatalsik kay Attorney General William Barr.

Ito ay dahil sa pangingialam sa paghatol sa kaibigan ni US President Donald Trump na si Roger Stone.

Nakasaad sa nasabing petisyon na dapat walang special treatment na ipatupad ang mga justice officials.

Noong nakaraang linggo ay inirekomenda ng piskalya na makulong ng pito hanggang siyam na taon si Stone matapos na mahatulan ito sa pagharang sa congressional investigation tungkol sa pangingialam ng Russia noong nakaraang election ganun din ang pagsisinungaling nito sa mga investigators.