-- Advertisements --

Aabot sa 1.5 milyon katao na ang nag-apply ng compulsory pass para makapanood ng FIFA World Cup sa Qatar na magsisimula sa Nobyembre 20.

Ayon kay Saad Al-Suwaidi, head of the Hayya pass service ang namumuno sa Hayya pass service, na mayroong 1.5 milyon hanggang 1.7 -M ang nag-apply ng nasabing card.

Ang nasabing card ay magsisilbing visa, ticket para sa mga laro, transport ticke at access sa ilang fan zones.

Kailangan din ang nasabing pass sa mga magtutungo sa Qatar simula Nobyembre 1 manonood man sila o hindi ng mga laro.

Maging ang mga international supporters ay kailangan ng mag-apply ng pass matapos makabili ng tickets at makatiyak ng accomodations.

Inaasahan kasi ng Qatar na mayroong mahigit isang milyong dayuhan ang manonood ganun din ang mga residente doon na mahilig sa football games.

Ilan sa mga naghahanda na rin ay ang dalawang malaking paliparan ng DOHA kung saan inaasahan nila ang pagdating ng 150,000 pasahero kada araw.

Sa mga babiyahe na dadaan sa Saudi Arabia ay kailangan nila ng sumakay ng bus patungong Doha o sila ay magbabayad ng $1,375 kapag magmamaneho ng sariling sasakyan.

Tiniyak din kasi ng mga border officials na kaya nilang mag-proseso ng nasa 4,000 katao sa loob ng isang oras.