-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang sa tatalakayin at pag-uusapan sa official trip ng Pangulong Ferdinand Marcos sa Riyadh, Saudi Arabia ay ang kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund.

Ito ang binanggit ni DFA Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, subalit hindi nito ibinahagi ang mga detalye ukol dito.

Ayon kay Espiritu gagawin ang presentasyon sa maharlika Fund sa Kingdom ng Saudi Arabia at sa mga negosyanteng Arabo.

Bukod sa partisipasyon ng Chief Executive sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit, nakatakda din magkaroon ng bilateral meetings sa Saudi Arabia at Bahrain.

Magkakaroon din ng pulong ang Pangulo sa Filipino community at Saudi business leaders.