-- Advertisements --
Nakakalendaryo na ang ilalabas na desisyon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) para sa Maguindanao massacre case.
Batay sa kalatas ni QC RTC Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes, gagawin ang promulgation sa Disyembre 19, 2019.
Isasagawa ito sa Quezon City Jail-Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Sa nasabing kaso, 58 ang pinatay sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong 2009, kung saan mahigit 30 sa mga biktima ay miyembro ng media.
Habang halos 200 naman ang akusado, ngunit 117 lamang ang naaresto.
Noong nakaraang Nobyembre pa sana ito nadesisyunan ngunit humiling ang huwes sa Korte Suprema ng dagdag na panahon para mabuo ang kaniyang hatol.