-- Advertisements --
NAGA CITY – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang mahuli ang suspek sa pananaga sa isang magsasaka sa Barangay Manangle, Sipocot, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Eminiano Miraflor.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pol. Major Allan Macoy, Chief of Police ng PNP-Sipocot, sinabi nitong nag- iinuman ang suspek at ang biktimang si Pepito Velarde nang magalit ang suspek at bigla na lamang pinagtataga si Velarde.
Nagtamo ng maraming tama ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Dahil dito agad na isinugod sa ospital ang biktima na sa ngayon ay nagpapagaling na habang nakatakas naman ang suspek matapos ang krimen.