-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang magsasaka nang masabugan ng isang Improvised Explosive Device (IED) sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Yasser Guialudin, 28 anyos,may asawa at residente ng Sitio Gantong Barangay Tunggol General Salipada K.Pindatun Maguindanao.

Ayon kay GSKP Chief of Police,Captain Radzak Musa na itatali lang sana ng magsasaka ang kanyang alagang kalabaw nang maapakan nito ang IED at sumabog.

Patay on the spot ang biktima at sugatan ang kanyang alagang kalabaw.

Bago ang pagsabog ay may isasagawa sanang survey sa lupang pinag-aagawan sa hangganan ng Barangay Tunggol at Brgy Kulasi sa bayan ng GSKP.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng GSKP-PNP sa nangyaring pagsabog na ikinasawi ng biktima.