-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Isang magsasaka na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan sa irrigation canal na nasasakupan ng barangay Raniag, Ramon, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kinilkala ng pulisya ang natagpuang lalaki na si Alvin Viernes, 27 anyos, binata at residente sa nasabing barangay.

Ang biktima ay nawawala pa noong November 19, 2019.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay biktima upang malaman ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Walang damit nang matagpuan ang bangkay ni Viernes.

Positibong kinilala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima.