-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang magsasaka matapos barilin ng riding in temdem criminal sa Purok 3, barangay Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Ang biktima ay si Remegio Maramag Cabaldo, 47 anyos, may-asawa, magsasaka , residente ng Sinippil, Disusuan, San Mariano, Isabela.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang panga na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Emmanuel Agustin, tsuper ng 6 by 6 truck kung saan ikinakarga ang mga biniling pakwan na kukuha sana sila ng dayami na ilalagay sa sasakyan bago ikarga ang kanilang biniling pakwan nang mayroong dalawang sakay ng motorsiklo at binaril ang biktima.

Nakita anya nila ang mga suspect ngunit likod na lamang ang nakita kung saan nakasuot ng long sleve habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket.

Ang isa sa pinaghihinalaan ay naka-helmet habang naka-facemask ang bumaril sa biktima.

Itatakbo sana anya nila sa pagamutan ang biktima ngunit agad binawian ng buhay.

Samantala, inihayag naman ni Ginang Gemmabel Cabaldo, asawa ng biktima ay nabigla siya sa nangyaring pagpatay sa kanyang asawa.

Sinabi ni Ginang Cabaldo na ang alam lamang niya mayroong pagkakautang sa pinagkukuhanan ng pakwan ang kanyang mister ngunit nagkausap naman sila ng pinagkakautangan at nangako ang biktimang magbabayad.

Bukod anya sa pagiging magsasaka ng kanyang asawa ay bumibili ng pakwan ang kanyang mister saka ibinebenta.

Umaasa anya ang ginang na makonsensiya ang pumatay sa kanyang mister at sumuko na sa pulisya.