-- Advertisements --

Patay ang dalawang batang magkapatid matapos ang naganap na sunog sa residential area sa Mandaluyong City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na ang mga biktima ay isang 15-anyos na dalagita at 6-anyos na kapatid na lalaki nito.

Hindi agad nakalabas ang mga biktima sa nasusunog nilang bahay sa Sunday St., Poblacion, Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog ng pasado alas-11 ng gabi nitong Miyerkules at naapula lamang ito ng mahigit dalawang oras.

Sugatan naman sa insidente ang isang matandang lalaki ng mula sa nasusunog nitong bahay.

Sa pagtaya ng BFP na nasa 50 bahay ang nasunog kung saan mahigit 100 pamilya ang apektado sa nasabing sunog.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.