-- Advertisements --

Nakabuwena mano ng panalo ang Orlando Magic laban sa Atlanta Hawks, 116-112.

Ito ay kaugnay sa unang araw ngayon ng pagsisimula ng preseason games ng NBA.

Nanguna sa panalo ng Magic ang 7-footer at sentro na si Nikola Vucevic na may 18 points.

Sa kampo ng Hawks bumida naman si De’Andre Hunter na may 14 na puntos.

KNICKS 2

Samantala sa ibang game naman, hindi rin nagpahuli ang New York Knicks nang kanilang masilat ang Detroit Pistons sa exhibition game, 90-84.

Bumida sa Knicks si RJ Barret na may 15 points habang sa Pistons si Saddiq Bey ay nagbuslo ng 14 na puntos.

Una nang itinakda sa December 22 ang pagbubukas ng bagong season ng NBA.