-- Advertisements --

Naturukan na ng COVID-19 vaccine ang mag-asawang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Sa kaniyang Instagram account, nagapost ang singer-composer ng larawan nilang mag-asawa.

Sinabi nito na kapwa silang mayroong comorbity kaya nakakuha sila ng slot sa Quezon City Government.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan na magpaturok na ng bakuna laban sa COVID-19.