CENTRAL MINDANAO- Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) ang nagkakahalaga ng P1.3 milyon na shabu sa naarestong mag-asawang drug dealer sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Kal Mangayag Zainal,49 anyos at ang kanyang asawa na si Muslima Zainal,49,mga residente ng Datu Salibo Maguindanao.
Ayon kay PDEA-BAR Regional Director Juvenal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation na pinangunahan ni PDEA Maguindanao Provinvial Officer IAV Fim Anthony Naïve sa national highway ng Datu Piang Maguindanao katuwang ang puwersa ng 6th Infantry Battalion Philippine Army,1402nd Company RMFB14 at Datu Piang PNP.
Nang i-abot na ng mag-asawa ang droga sa PDEA-Agent ay doon na sila inaresto.
Narekober sa mga suspek ang 200 grams na shabu na may national average price na P1.36 Milyon, isang kulay Maroon na Mitsubishi Mirage, isang glock pistol ,1 magazine assembly,12 live ammunitions, 1 brown envelop, 1 brown sling bag, 1 Oppo android cellphone at mga IDs sa mga suspek.
Sinabi ni RD Azurin na madulas umano ang mag-asawa at mahigit isang buwan nilang sinusundan hanggang sa itoy malambat.
Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato city at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.