Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na inaasahang babalik muli ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa kagawaran.
Kanyang ibinahagi na posibleng bumisita muli ang mga ito sa DOJ kaugnay sa proseso ng ebalwasyon sa hiling mapabilang sa Witness Protection Program.
Matatandaan na personal nagtungo ang mag-asawang Discaya sa kagawaran hinggil at para maipakunsidera makasama sa mga ‘protected witness’.
Ngunit binigyang diin ni Justice Secretary Remulla na wala pang tiyak na petsa kung kailan maaprubahan ang naturang kahilingan.
Giit niya’y dadaan pa ito sa masusing ebalwasyon at proseso ng DOJ upang matiyak o matukoy kung pasado maisailalim ang mag-asawa sa Witness Protection Program.