-- Advertisements --

Kapwa pinapanagot para sa paninirang puri ng mga hurado ang dating mag-asawang Johnny Depp at Amber Heard.

Ito ang naging hatol ng hurado sa kasong defamation na isinampa ni Depp sa dating asawa nito noong 2018.

Naglabas kasi ng pahayag ang actress noong 2018 sa The Washington Post na ito ay labis na minamaltrato ng actor.

Nakita ng hurado na siniraan ni Heard ang actor sa tatlong magkakahiwalay na pahayag sa nasabing pahayag.

Habang siniraan aniya ng actor si Heard sa isang pahayag nito sa kaniyang abogado.

Dahil dito ay pinagbabayad ang actress sa asawa nito ng $10 milyon bilang compensatory damages at $5-M sa punitive damages.

Habang pinagbabayad naman si Depp ng $2-M bilang compensatory damage at walang punitive damage.

Unang humingi si Depp ng $50-M damage kay Heard habang $100-M naman ang hiling na damage ng actress a dating asawa.

Mayroon lamang capping ng hanggang $350,000 na punitive damage sa Virginia kaya binawasan ng mga hurado ito.

Nagpasalamat naman ang mga abogado ni Depp sa mga hurado dahil sa hatol habang labis na nalungkot si Heard sa hatol ng korte.

Nagkakilala ang dalawa noong 2009 sa pelikulang “The Rum Diary” hanggang sila ay ikinasal noong 2015 at noong 2016 sila ay naghiwalay.

Kinuha ng kampo ni Depp na maginag witness sa kaso ang model na si Kate Moss na dating nakarelasyon ng actor at si Walter Harmada ang namumuno ng DC Film.