(Update) BUTUAN CITY – Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pamamaril-patay sa hindi nakilalang suspek sa mag-asawa sa Brgy. Bayugan 2, San Francisco, Agusan del Sur.

Una na nang nakilala ang mga biktima na sina Crispin Orlandez at asawa nitong si Zebrean Orlandez, parehong residente ng Purok 1, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur.

Ayon sa mga nakatira sa nasabing lugar dakong alas-12:00 kahapon ng tanghali nakarinig na lamang sila ng dalawang mga putok ng armas at nakita nilang magkatabi na nakabulagta ang mag-asawa sa tabi rin ng kanilang motorsiklo.

Sa ngayon blangko pa ang mga tauhan ng San Francisco Municipal Police Station sa motibo ng pamamaril at pagkakilanlan ng mga suspetsado dahil walang katao-tao sa naturang lugar kung saan sila pinagbabaril.