-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang mag-ama habang sugatan ang isa pang menor de edad na anak matapos sumalpok sa Nissan Urvan na sasakyan ang motorsiklo sa Barangay Nasunugan, Dao, Capiz.

Pawang nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang mag-amang sina Dennis Fuentes, 29, ng Barangay Manhoy, Dao, Capiz at tatlong taon na anak habang patuloy na ginagamot sa ospital ang limang taong gulang na anak.

Nabatid na mula sa pamamasyal ang mag-ama at pauwi na nang hindi inaasahan na sumalpok ang motorsiklo sa naka-park na van sa daan.

Dinala pa sa ospital ang mga biktima, ngunit dineklarang dead on arrival.

Samantala patuloy na ginagamot sa ospital ang isa pang menor de edad na anak ni Fuentes na kasama nila sa motorsiklo.