Madonna
Madonna/ IG post

Pinabulaanan ni pop icon Madonna na lilisanin na niya ang Lisbon, Portugal na kaniyang naging tirahan sa loob ng dalawang taon.

Sinabi nig 60-anyos na singer na walang katotohanan na iiwan niya ang nasabing lugar.

Dagdag pa nito na may balak pa itong pumirma ng kontrata sa Portuguese-based artists para sa paglabas ng bagong album.

Isa ring dahilan kaya hindi ito aalis sa Portugal dahil ang isa sa apat na anak nito ay nag-aaral sa football academy doon.

Kasunod ito ng pagpigil sa kaniya na gumawa ng video gamit ang isang kabayo.

Ikinagalit din ng ilang mambabatas sa Lisbon dahil sa pagbibigay ng alkalde sa singer ng special treatment dahil sa nagkaroon ng 15-spot car park sa lugar.