-- Advertisements --

Minamadali na ang ginagawang pagsisikap ng malalaking telecommunications company upang maibalik sa lalong madaling panahon ang network signal sa mga lugar na hinagupit ng super typhoon Karding.

Ayon Kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagdo-double time na aniya ang personnel ng telcos para maibalik ang network signal at ng sa gayon ay may magamit na komunikasyon ang mga maaapektuhang residente.

Sa harap nito, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay nagtayo na ang mga ito ng istasyon para sa libreng WIFI connection, tawag, text at free charging ng celular phones.

Ayon kay Angeles, nasa mga lalawigan ng Bataan, Aurora, Quezon, Tarlac, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, at iba pang mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyo ang naturang mga communication stations.

Sinabi pa ng opisyal na bahagi ito ng ginagawang bayanihan at partisipasyon na din ng dalawang malaking telecommunications company sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Karding.