Ipinagmalaki ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang maayos na division of labor ng mga tanggapan na kabahagi sa paghahanda sa SEA Games 2019 hosting.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Ramirez na regular silang nagkakaroon ng mga pagpupulong para sa detalye ng preparasyon.

Sila umano ang nakatutok sa government side, ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa private side at ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) bilang organizing committee.

Malaki rin umano ang papel ng local government units ng Subic, Clark at iba pang lugar na may event ang SEAG 2019.