-- Advertisements --

Hawak na raw ngayon ng Russia ang strategic Ukrainian City na Lysychansk at kontrolado na rin ang buong Lugansk region.

Ito ang inihayag ng defense minister ng Russia na si Sergei Shoigu.

“Sergei Shoigu has informed the commander in chief of the Russian armed forces, Vladimir Putin, of the liberation of the People’s Republic of Lugansk,” ayon sa defense ministry.

Base sa inilabas nitong statement, nasa full control na raw ng Russian forces at kanilang separatist allies ang Lysychansk at kalapit na bayan nitong Belogorovka, Novodruzhesk, Maloryazantseve at Bila Hora.

Ilang minuto naman matapos ang naturang statement ay sinabi ng isang spokesman ng Russian defence ministry na patuloy pa rin ang bakbakan sa Lysychansk at napapaligiran na raw ang Ukrainian forces.

Sa Telegram, sinabi ng regional governor ng Lugansk na si Sergiy Gaiday na mayroon umanong reinoforcement ang Russians sa kanilang posisyon sa Lysychansk region at sunog na ang nasabing lungsod. (AFP)