Ilalagay sa red alert ang Luzon area dahil sa manipis na power supply.
Ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), malaking demand ng consumers pero mababa ang reserbang kuryente.
Sa pagtaya ng NGCP, dahil sa mainit na panahon, posibleng umabot sa 12,387 megawatts ang itaas sa huling linggo ng Mayo o 747 megawatts mula sa actual na 2021 peak load na 11,640 megawatts noong May 28, 2021.
Dahil dito, mahalagang magkaroon ang bansa ng management strategies upang matiyak na hindi kakapusin ang supply sa panahon ng halalan sa darating na May 9, 2022.
Maging ang iba pang nasa energy sector ay naghahanda na ng kanilang mga plano para mabawasan ang matinding impact ng kakulangan ng reserbang kuryente.
Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, posibleng magpa-iral sila ng rotational power interruptions sa Luzon grid ngayong dry season na magsisimula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.