Nasa yellow alert ngayon ang Luzon Grid ng National Grid Corporation of the Philipines (NGCP).

Bunsod ito ng pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon.

Base sa abiso ng Meralco, ang yellow alert ay mula alas-10:01 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali; habang balik ang alerto sa pagsapit ng ala-1:01 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon.

Pinayuhan naman ng Department of Energy (DoE) ang publiko na iwasan muna ang labis na paggamit ng koryente.