-- Advertisements --
Muling itataas mamayang hapon sa Luzon Grid ang yellow alert status dahil sa pagnipis ng reserbang kuryente.
Nabatid na 20 planta ng kuryente ang nagkaroon ng forced outage, habang halos 40 areas sa bansa ang inaasahang makakaranas ng “danger level” ng heat index at posibleng magkaroon ng mas mataas na konsumo ng power supply
Ilalagay ang Luzon grid sa yellow alert mamayang alas-3:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
Ang available peak capacity ngayon ay 15,115 MW megawatts (MW), habang ang peak demand ay 13,818 MW.
Sinasabing apat na planta ang may forced outage mula noong 2023.
Ang yellow alert ay idinedeklara kung ang operating margin ay hindi sapat para mapunan ang transmission grid contingency requirement.