-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na nagtaas sila ng yellow alert sa Luzon Grid ngayong araw.
Nangangahulugan ito na manipis ang reserbang kuryente sa Luzon, habang malaki naman ang demand.
Nagsimula ito kaninang alas-10:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga.
Habang muli itong pinairal kaninang-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Nabatid na ilang planta ng kuryente ang pumalya, kaya hindi ito makapagbigay ng kinakailangang supply.