CEBU – Nakapagtala ng pinakamataas na bilang nga recoveries ng COVID-19 ang lungsod ng Cebu na umabot sa 164.
Sa datos ng Cebu City Health Department ito’y kinabibilangan ng mga pasyente mula sa Brgy. Suba na may 114; Mambaling-15; Bacayan- 33 at Sambag 2 na may dalawa. Nasa 394 na ang kabuuang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease.
Samantalang nasa 2,013 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City matapos umabot sa 21 ang natalang bagong kaso ngayong araw mula sa Tejero na may dalawang kaso; Lahug – 1; Inayawan – 1; Duljo – 3; Sawang calero – 1; Kinasang-an – 1; San Nicholas Proper – 1; Suba – 1; Camputhaw – 1; Mambaling- 1; Pardo – 1; at Carreta – 1.
Kaugnay nito patuloy na nanawagan ang city government ng Cebu sa publiko na patuloy na tumalima sa mga palisiya lalung-lalo na sa mga health protocols laban sa coronavirus.