Itinaas ng state weather bureau ang thunderstorm alert ngayong araw, Oct. 19, na maaaring magdala ng mga serye ng pag-ulan sa maraming lugar.
Kaakibat nito ang mga pagkidlat at malakas na hangin na maaaring magtagal ng 2 oras o mas higit pa.
Kabilang sa mga maaaring maapektuhan ay ang mga probinsiya ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, at ilang bahagi ng National Capital Region.
Kasabay nito ay pinapayuhan ang publiko na bantayan ang sitwasyon, lalo na sa mga naninirahan sa mabababang lugar, dahil sa posibilid na magdulot ang mga malalakas na ulan ng biglaang pagbaha.
Maliban sa thunderstorm alert, nakataas din ang flood warning sa dalawang rehiyon dahil sa Interopical Convergence Zone, at easterlies. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Region 4-B (MIMAROPA): Pawalan
Region 8 (Eastern Visayas): Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar.













