jolina 2
-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one (1) dahil sa bagyong Jolina.

Kabilang sa mga nasa unang babala ng bagyo ang Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 205 km sa silangan timog silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 230 km sa silangan hilagang silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

-- Advertisement --